Sabado, Abril 13, 2013

Ang paglangoy ko sa isang limitadong tubig at mundong kay liit ang simula ng lahat. Maliit ang paligid ko pero kaya kong huminga hindi sa sarili kong paraan kundi sa paraan ng Diyos sa kanyang paggawa. Ang paglabas ko sa maliit na mundo na nagbigay ginaw sa pagaalalay ng mga nakaputing kasuotan at gwantes na namumula ang nagbigay mulat sa bagong mundong tatahakin ko. Habang lumalaki ako lumalaki din ang mundong ginagalawan ko, at habang lumalayo ang paningin ko lumilinaw ang pagtingin  ko sa mundo. Natuto ako ng mga bagay kagaya ng pagkatuto ng isang normal na bata sa simpleng paglalakad, pagkain, pagngiti at pagpapakarga sa kayang magulang. Simple lang noon masaya na sa kakarampot na limang piso na halos sing laki lang ng palad ko, umiyak sa unang araw ng klase sa pagalis ni mama at damhin ang sarap ng hangin sa aking mukha kapag tumatakbo akong malaya at nakikipaglaro. Hanggang dumating ang isang araw na napansin kong ang daming nagbabago sa katawan ko kasabay nito ang dami ng pagbabago sa mundong ginagalawan ko may nadadagdagan at may nababawasan. Masaya nguit walang saya kung walang lungkot kagaya ng walang araw kung walang gabi. Naranasan kong masakatan. at maging sobrang saya, aranasan kong madapa pero naging matibay ang pundasyon kong tumayong sugatan, umiyak ng higit sa dapat ngunit ngunit ngumiti at higitan ang lahat, naransan ko ang mga bagay na hindi ko alam mararanasan ko pala. Sa pagikot ko sa mundo kasabay kong umikot ang araw, umalon ang ilog, humampas ang dagat at hatakin ng liwanag ang mabigat na karagatan. Masayang matutunan ang lahat ng bagay kasabay ng kapaligiran kung san ka lumaki. Kung dati nilalanguyan ko lang ang amliit at limitadong tubig gayo kasama ko na sa paglangoy ang mga taong mahal ko sa buhay. Ngunit sa lahat  ng yan ang pinakamahalagang bagay na natutunan ko ang matutong magmahal sa iba hindi lang sa isang tao ngunit sa lahat ng taong nasa paligid ko at ang paglalakbay ko at paglagoy sa mundo kasama nito ang buhay at puso ko.